Zirkoh, Klownz tuluyan nang nagsara

Nagsara na ng tuluyan ang comedy bars na pagmamay-ari ni TV host-comedian Allan K, sa epekto ng coronavirus pandemic sa ekonomiya.

Sa Facebook, nagpaalam na si actor Phillip Lazaro sa Klownz at Zirkoh.

“Sa aking mga kasama at kapatid sa Klownz at Zirkoh, let us all say a little prayer for one another and hug each other in our hearts. Sa aming mga napatawa at napasaya sa mga lumipas na taon, the pleasure was definitely ours,” sey ni Lazaro.

Nalungkot din si Comedienne K Brosas sa balita ng pagsasara nito.

“Haaay… nakaka sad naman.. Grabe din ang Utang na loob ko SA klownz at Zirkoh.. Salamat po mama lits at Allan k.. SA lahat NG naka trabaho ko Salamat din po.. madami ako natutunan,” post ni K sa Facebook.

Ang Klownz ay located sa Quezon Avenue, Quezon City at ang Zirkoh ay sa Tomas Morato, Quezon City.