Zia Dantes nagbihis Darma at Dyesebel

Natuwa ang netizens sa four-year-old daugher nina celebrity couple Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia Dantes.

Nagbihis Darna at Dyesebel si Zia para sa “Mother’s Day’ pakulo nito sa kanyang mommy Marian.

Zia Dantes Cosplay

Ang Darna at Dyesebel ay mga karakter na ginampanan ni Marian sa GMA network.

“Sa dinami-dami ng roles na ginampanan ko, ang pagiging mommy ang pinakamasarap. Kaya susuportahan lang kita ‘nak as you discover your interests,” caption ni Marian sa kanyang Instagram account.