Another milestone kay Zeinab Harake ang pagtanggap niya ng Diamond Play Button from Youtube.
Sa kanyang latest vlog, nag-unboxing siya ng kanyang award with her Baby Bia at Lucas.
“Alam ko number one request n’yo ‘tong lahat na makasama silang dalawa sa video ko, and this is it pancit!
“Meron pang isang napaka-importanteng bagay sa’kin na dumating and ‘yun ‘yung napag-isipan ko kung bakit ko sila pinagsama sa isang content kasi ito ‘yung mga mahahalaga talaga sa buhay ko.
“And…excited ako sabihin na dumating na ‘yung Diamond Play Button and i-a-unbox namin ni Lucas.”
After ng unboxing ay pinasalamatan niya ang kanyang followers.
“Ito na ‘yon. Ito na ‘yung gift n’yo sa’kin. So, gustong-gusto kong magpasalamat sa inyong lahat kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magkakaroon ng ganito.”
“Lalo ko pa pong gagalingan kasi hindi ko po alam kung paano ko mababalik ‘yung kaligayahang naibigay niyo sa award na ‘to para sa’kin.
“Sobrang big deal nito. Hindi ko ‘to inimagine talaga na magkakaroon ako nito and sobrang happy ko.”
Ang Diamond Play Button ay inaaward sa mga content creators na aabot sa 10 million subscribers.