YouTuber Mika nagsasayaw, inaresto sa Hawaii

Inaresto ng mga awtoridad si Anne Salamanca, o mas kilalang Mika sa Honolulu, Hawaii matapos lumabag sa tourist quarantine protocol.

Ayon sa report ng KITV4 ABC Island News, dumating ang Pinay Youtuber at sinfer sa Honolulu noong July 6 at matapos ang apat na araw ay nakita na ito sa publikong lugar.

Ipinakita ng Hawaii attorney general’s office ang video ni Mika na sumasayaw sa isang tindahan at kumakain na dapat ay naka 14-day quarantine ito.

Una nang naglabas ng apology video si Mika noong Huwebes nang tinawag ng pansin ito ng mga netizens.

“Gusto ko pong mag-sorry sa lahat ng misunderstanding and sa lahat ng maling nakikita niyo po sa internet. Inaamin ko po na nagkamali po ako nung time na dumating po ako dito sa Hawaii and agad po kaming lumabas,” sey ng vlogger.

Dagdag pa ni Mika, pumunta ang mga law enforcers sa kanyang bahay para sabihing walang dapat ikabahala, at kung magnegatibo siya sa COVID-19 ay maaari siyang makalabas.

Itinanggi naman ito ni Attorney General Clare E. Connor statement na inilabas ng KITV.

“None of my investigators would convey that information, as it is incorrect. The fact that Ms. Salamanca has so many followers makes her actions that much more dangerous and concerning. The spread of misinformation can have very severe consequences during an emergency situation like we are in now.”

Nakalabas ng kulungan si Mika matapos magbayad ng $2,000 bail ang kanyang kaanak.