Yassi Pressman napaiyak sa birthday gift

Naging emosyonal si Yassi Pressman sa birthday gift ng kanyang kapatid na si Issa.

Sa kanyang deleted video sa Instagram, umiiyak siya habang nakatingin sa puno sa loob ng kanyang bahay.

“My sister decided to gift this to me for my birthday, this means so much,” caption niya.

Ang nasabing puno ay tinatawag na “Tree of Life.”

“I wanted a Tree Of Life that would symbolize our journey and how we are somehow connected to the universe.”

Ito ang unang kaarawan ni Yassi na wala ang kanyang ama.

“Gonna promise to be the best that can be!!!! Just like you taught me! I’m a big girl now!”