Yam Concepcion ikinasal na sa non-showbiz BF sa NY

Ikinasal na si actress Yam Concepcion sa kanyang long time non-showbiz boyfriend Miguel Cuunjieng.

Ang civil ceremony ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa New York.

Isang buwan ang nakalipas nang surpresahin ni Concepcion ang fans sa anunsiyo niyang engage na siya kay Cuunjieng.

Sa vlog niya na naka-upload sa kanyang YouTube channel, binahagi niya na na-engage siya noong December 31, 2018 sa Niseko, Japan.

Anim na taong magkarelasyon ang dalawa bago ikinasal sina Concepcion at Cuunjieng.