Xiumin, DO, Yoon Ji Sung, Sungyeol, Kim Min Suk bibida sa isang Military Musical

Army MusicalInipon ang ilang kilalang aktor upang bumida sa muling pagtatanghal ng isang military musical na “Return: The Promise of the Day”.

Ang “Return: The Promise of the Day” ay isang orihinal na army musical na tumatalakay sa paghuhukay ng mga labi ng mga sundalong nagsakripisyo ng kanilang buhay upang ipagtanggol ang kanilang bansa noong kasagsagan ng Digmaan ng Korea.

Nitong Mayo 13, kinumpirma ng musical na ang katauhan ng kilalang war veteran na si Seung Ho ay gaganapan nina Jung Yul at Lee Gun Myung, at ang katauhan ni Seung Ho sa nakaraang panahon at gagananapan naman ng kilalang miyembro ng EXO at D.O na si Yoon Ji Sung.

Ang ilan pang karakter na kasama sa musical ay si Hae II na gaganapan nina Jae Kyoon at Lee Chan Dong, Hae Sung nina Yang Ji Won, Lee Ji Hye at ni Gugudan’s Kim Sejeong. Ang karakter na si Jin Goo at gaganapan ni Kim Ki Soo, at marami pang iba.

Ang musikal ay magsisimula sa digmaang beterano na si Seung Ho na gumagala sa paligid ng mga bundok ng kapitbahayan ng Dabu upang hanapin ang mga labi ng kanyang mga kasama na namatay sa labanan.

Ngayong taon, ang musical ay ipagdiriwang din ang ika-70 anibersaryo ng Digmaang Korea at ang 3.17 milyong sundalo na nakipaglaban sa digmaan para sa kanilang serbisyo at sakripisyo.

Ang “Return: The Promise of the Day” ay nakatakdang magsimula sa Hunyo 4 hanggang Hulyo 12 sa Woori Art Hall ng Olympic Park sa Seoul.

Ang musical ay susunod pa rin sa mga protocol ng ‘social distancing’ kung saan magkakaroon ng bakanteng upuan sa pagitan ng kada manonood upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19 at upang matiyak ang kaligtasan ng bawa manonood.