Nag-offer ng sasakyan as belated birthday gift si Internet personality at self-confessed scammer Xian Gaza kay TikTok star Yuki Takahashi.
Sa Facebook post nito kasama ang maroon-colored car, inamin ni Gaza na may crush siya sa 19-year-old TikToker.
“My name is Xian Gaza and you are my one and only crush on TikTok. Sobra akong nabighani sa iyong kagandahan at mga galawan kaya ika’y aking hinahangaan,” sey ni Xian.
Hindi ito unang ang public romantic gestures ni Xian na pinost niya online.
Una ay isang portrait artwork kay Liza Soberano noong 2016, proposal coffee date via billboard ad kay Erich Gonzales noong 2017, at red mustang as Valentine’s gift kay Nadine Lustre last year.
“Pangako ko sa sarili ko, kung gagawa na naman ako nang panibagong eksena in the future para sa isang tao… I’ll make sure na legit na ito at walang halong hidden agenda. Pure feelings na lang talaga.”
Gusto niyang bigyan si Yuki dahil ina-assume niya na wala itong sasakyan.
“Nagkataon lang talaga na yung halaga nito ay para lang akong bumili ng isang birthday cake sa financial capacity ko at the moment,” dagdag pa niya.
“All I want is to be your virtual friend… nothing more, nothing less. When I stalked your TikTok account and watched your videos for the very first time, it gave me a weird type of happiness na para akong naging isang fan boy na baliw na baliw sa idol niyang artista. I felt that kind of kilig. Seriously.”
Ang nasabing post ay may 19k reactions at 2.4k shares as of this writing.