Xander Ford inakusahang pinagsamantalahan ang ex-girlfriend

Trending si social media personality Xander Ford, na dating kilala bilang Marlou Arizala, sa Twitter nitong Huwebes matapos siyang akusahan ng kanyang ex-girlfriend.

Sa online revelation ng nagngangalang Ysah Cabrejas, naka relasyon niya si Xander, at inaabuso siya umano nito.

Napilitang magsalita si Ysah dahil pinapalabas ni Xander na siya ang biktima sa kanilang failed relationship.

“BINIGAY KO LAHAT NG GUSTO MO PERO GINAGO MO KO. AYAW KO NA SANA MAG SALITA PERO SOBRA NA. Pa-victim ka masyado, masyado kang sinungaling. Palagi mo sinusumbat sakin na kasikatan lang habol ko sa’yo.”

Inalala pa ni Ysah na nagkakaroon ito ng mga sugat pag pinupuwersa siya nito, at nagagalit kapag tumatanggi ito makipag-sex.

“BAGO AKO SUMUKO NAG TIIS MUNA AKO pinipilit mo’ko na may mangyari satin kahit na meron ako at kahit na AYAW KO. Pag hindi ako pumayag magagalit ka kaya nga ako nag kapasa gawa mo Kasi pinilit mo ko!! Hindi kaba naawa sakin? umiiyak ako sa harap mo, nag mamakaawa ako sayo, na tama na ayaw ko na pero di ka nakinig sabi mo BASTA MABUNTIS KITA KAHIT IWAN MO KO OKAY NA KO DON tanga ka ba?”

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang kampo ni Xander, ngunit inanunsiyo ng talent agency Star Image Artist Management na kakausapin nila ang socmed personality sa sensitibong usapin.