Xander Ford boyfriend, sino nga ba?

Matapos mag-out na bisexual, pinakilala ni Xander Ford ang kanyang boyfriend.

Sa recent vlog nito, pinakilala ng former Hasht5 member ang boyfriend nito at pinag-usapan ang kanilang relasyon.

Sa simula ng vlog, nakasuot ng mask ang boyfriend niya dahil gusto nilang maging pribado ang identity nito, ngunit sa huli ay ipinakita rin.

Nagsimula silang mag-usap noong 2018 ngunit nagkita lamang sila in person nitong nakaraang taon.

“Parang nagkapalagayan kaming dalawa. Noong nalaman niya na ganito ako, sabi niya sa akin, mas naiitindihan niya ako kaysa yung ibang tao… sa dami ng tao na hindi ako naiintindihan. So ako, naniwala ako sa kanya,” sey ni Xander.

Dagdag pa ni Xander, wala siyang nakarelasyon lalake noon, at naniniwala siyang straight siya.

Noong nakaraang linggo ay nag-out ang internet personality na parte ito ng LGBT community, at may Instagram bio ng ‘bisexual.’