WWII veteran gumaling sa COVID-19

Isang 99-anyos na World War II veteran ang nakaligtas sa coronavirus at nakalabas na sa ospital.

Si Albert Chambers ay nakabalik na sa kanyang bahay nitong Biyernes matapos gumaling sa COVID-19 sa Tickhill Road Hospital sa Doncaster, northern England.

Na-admit ang war veteran nang ma-injured nito ang kanyang pulso sa pagkakahulog. Habang nasa ospital, nagpakita ito ng sintomas ng COVID-19 at nagpositibo sa virus.

Ang kanyang mag-anak ay inaasahan na ang pinakamasamang puwedeng mangyari, ngunit nanaig ang katapangan at positive attitude ng beterano.

Ipagdiriwang ni Chamber ang kanyang ika-100 kaarawan sa Hulyo.