WWII bomb nakita sa NAIA

Isang World War II bomb ang na-recover sa damuhang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport, Miyerkoles.

Nagsagawa ng maintenance ang backhoe operator ng isang pribadong kompanya sa bahagi ng runway 13-31 ng may tinamaan itong matigas na bagay.

Nakita ito ng operator at agad na humingi ng tulong sa awtoridad. Hinukay ito agad ng bomb disposal personnel at nilagay sa secured area.

Walang naperwisyong flight sa insidente dahil karamihan sa airlines ay walang biyahe sanhi ng COVID-19 pandemic.