Wow mali! Viral gulpihan sa jeep ‘di pala snatcher

Isang video na nag-viral sa social media kahapon, Nobyembre 18 kung saan ay makikitang may ginugulpi ang isang lalaking nakasabit sa jeep sa Taft Avenue,Maynila ang nakaagaw pansin kay Manila Mayor Isko Moreno.

Sa mga unang balita ay napagkamalang snatcher ang lalaking nakasabit sa umaandar na pampasaherong jeep habang gigil na gigil na sinasapak ang isa sa mga pasahero ng jeep.

The Owner of this video:Ice Lee Almocerasa may UN Ave po siya nangyari, yesterday lang at around 6:30am

Posted by Drean Sanchez on Sunday, 17 November 2019

Pero kalaunan ay lumutang kay Mayor Isko ang lalaking nasa video para linisin ang sarili.

Ayon sa nasa video, hindi siya snatcher kundi tumulong lang siya sa isang kaibigan na ang asawa ay hinipuan ng pasaherong kanyang sinapak sa jeep.