World’s biggest Book sale sa Valentine’s Day

Balik-Maynila ang ‘world’s biggest book sale’ sa February 14, Valentine’s day.

Ito na ang ikalimang Big Bad Wolf event sa Pilipinas, kung saan nagsimula ito sa Malaysia.

World's biggest Book Sale

Bukas ang Big Bad Wolf araw-araw, 24 oras hanggang February 24 sa World Trade Center, Pasay City.

Mahigit 2 milyon libro ang makukuha ng 50% hanggang 90% off.

Ang good news pa nito ay magbibigay ang Big Bad Wolf ng tulong sa mga Pinoy na biktima ng Taal Volcano eruption, sa kanilang partner organization na Gawad Kalinga.