World Red Cross Day ipinagdiriwang

World Red Cross Day 2020Ngayong araw, Mayo 8, 2020 ay ipinagdiriwang ang World Red Cross and Red Crescent Day 2020.

Nanawagan ang Philippine Red Cross sa mga Pilipino na bigyang pugay ang mga front liner.

Apela pa ng Red Cross ay patuloy na suportahan ang humigit kumulang 14 milyong volunteers mula sa 192 National Red Cross and Red Crescent Societies sa buong mundo.

Umabot na sa 6,700 volunteers at staff ng Ph Red Cross ang naitalang sumali sa kampanya sa pagsugpo ng CoViD-19 pandemic batay sa datos ng humanitarian organization noong May 5, 2020.