Work of art: Cayetano ibinida ang P50M SEAG gintong kaldero

HINDI nagpatinag si House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ring tumatayong Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman sa pambabatikos sa magarbong paghanda sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG).

Isa sa pinuntirya sa SEAG preparation ay ang P50-million na ginugol ng PHISGOC para sa stadium cauldron.

seag cauldron

Nang usisain sa pagdinig ng Senado ukol sa budget para sa SEAG, sinabi ni Cayetano na kung tutuusin ay mas mura ang ginastos ng Pilipinas sa binansagang ‘higanteng kaldero’ kumpara sa P63-million na ginasta ng Singapore noong 2015.

“2019 SEA Games will be the biggest in history. The cauldron put in the spotlight is cheaper than Singapore’s ₱63 million. The cauldron is not a symbol, it’s the symbol of the games.

It’s a work of art,” depensa ni Cayetano.

Binatikos ni Senador Franklin Drilon ang cauldron o ang tinatawag ngayong ‘ gintong kaldero’ sa social media dahil sa sobrang laking pondo na inilagak dito.