Willie Revillame minura ng contestant

Willie Revillame wowowinIsang ‘Wowowin’ contestant ay aksidenteng namura ang host na si Willie Revillame nang mapagkamalan niya itong prank caller.

Tinawag ito ng host sa live show session online ng Wowowin para mamigay ng papremyo.

Pagkasagot ng caller na nagngangalang ‘Alexa’, agad sinabi ni Willie na pasalamatan nito ang sponsor ng show, na isang online shopping app. Hindi mapakaniwala ang contestant kaya minura nito ang host. “’Wag niyo ako murahin, si Willie Revillame po ’to,” sey ng host.

Pagkatapos ay humingi agad ng paumanhin si Alexa kay Willie.

“Akala ko lang po kasi pinagtritripan ako kasi sabi niyo po kasi araw-araw hapon-hapon po na huwag po maniniwala agad.”

At dahil sa nangyari, nagkunwari na lamang ang host na sinabihan siya nito ng ‘guwapo’ instead of ‘gago’ at binigyan siya nito P15,000 cash prize.

“Babala para sa lahat na hindi ’pag minura niyo ko dadagdagan ko na kayo,” ang pagbibiro pa ng host.