Wild cat nakawala sa Cainta

Naalarma ang isang pribadong subdivision sa Cainta, Rizal ng makawala ang dalawang serval cats na alaga ng isa sa mga residente.

Isa sa mga ito ay nakaakyat sa 10-meter na bakod.

Inireklamo na ito nga mga residente ngunit hindi umano umaksyon ang homeowners association.

Ang serval cats ay wild cats at tanging domesticated animals lang ang maaaring alagaan sa bahay.

Iimbestigahan umano ito ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon sa may-ari, mayroon silang permit sa kanilang mga alaga.

Isa umano itong attraction sa kanilang cat cafe sa Quezon City, na nagsara noong nakaraang tao.

Balak umano itong ilipat sa isang farm sa Lemery, Batangas ngunit hindi nailipat dahil sa Taal Volcano eruption at enhanced community quarantine.