WHO: Marami pang bansa ang susunod sa Italy, Iran sa mataas na kaso ng COVID-19

Nagbabala ang World Health Organization na marami pang bansa ang susunod sa Italy at Iran na nakapagtala na ng malaking bilang ng tinamaan ng coronavirus.

“Iran and Italy are suffering now but I guarantee you other countries will be in that situation very soon,” pahayag ni WHO emergencies head Michael Ryan.

Sa Italy ay mahigit 12,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at nasa 827 ang naiulat na nasawi.

Tinatayang nasa 900 katao naman ang intensive care. Sa Iran naman ay 354 na ang namatay sa 9,000 kasong kanilang tinututukan.

Nagpadala na rin ang WHO ng testing kit sa Iran subalit may kakapusan pa rin umano sa ventilators at oxygen.