Wendell Ramos firefighter

Isa ng certified firefighter si actor Wendell Ramos matapos makumpleto ang training sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) organization.

“It was really an honor to train and be a certified ABP,” post niya sa kanyang Facebook page, kasama ang pictures niya sa training.

Ang ABP ay isang non-government organization na layong magbigay ng latest information sa mga firefighter group sa Pilipinas.

Kaagad namang napasabak si Wendell sa pagresponde sa sunog sa na pabrika sa Valenzuela.

Umabot ng pitong oras ang sunog at umabot sa P15 milyon ang pinsala.