Walang COVID vaccine, walang bukas klase — Duterte

Rodrigo Duterte school openingMananatiling suspendido ang pasukan sa eskuwelahan sa bansa hanggq’t walang bakunang natutuklasan para masugpo ang coronavirus.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo nitong Lunes ng madaling-araw sa Malacañang.

“I will not allow the opening of classes. Bahala na,” giit ni Pangulong Duterte kaugnay sa isyu ng bukas klase.

“Wala nang aral. Laro na lang. Unless I am sure that they are really safe,” dagdag ng Pangulo.

Nauna nang itinakda ang muling pagbubukas ng klase pero hindi face-to-face para maiwasan ang paglaganap ng virus.