Wala kang RFID? Don’t Panic!

Narito ang 10 FACTS na kailangan ninyong malaman ukol sa isyu ng RFID intallation:

FACT NO. 1 Tanong:

Hanggang December 1 na lang ba ang pagkakabit ng RFID sa mga sasakyan?

HINDI PO.

Ang pagkakabit ng RFID stickers ay magpapatuloy kahit matapos ang December 2020.

Ang December 1 po ay deadline para sa mga toll operators na makapag-implement ng 100% cashless transactions sa mga toll roads.

Kung kinakailangan, handang i-convert bilang RFID stickering lane ang lahat ng toll lanes simula December 1.

Ibig sabihin, kung ikaw ay isang motorista na walang pang RFID at dumaan ka sa toll gate sa December 1, saan ka man pumila, kakabitan pa rin ang sasakyan mo ng RFID sticker.

Kung hindi man sa mismong toll gate, kakabitan ka ng RFID sticker sa installation site/tent bago o pagkalagpas ng toll gate.

Simula December 1 hanggang January 11, magiging 24/7 ang kabitan ng RFID sa lahat ng mga toll lanes o mga booths malapit sa mga toll gates.

Ang pagpapatupad po ng cashless transaction sa mga toll ay isinusulong, lalo na ngayong panahon ng pandemya, upang mabawasan ang banta ng virus transmission sa pagitan ng mga tellers at motorista.

Para sa ibang katanungan ukol sa RFID Sticker Installation, magtungo sa link na ito:

https://www.facebook.com/130406490431829/posts/1883029071836220/?d=n

#DOTrPH

#RoadSectorWorks

#CashlessTransactions