VP Leni Robredo tinawag na lugaw ni Mocha Uson

Walang kaabug-abog na tinawag ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Director Mocha Uson si Vice President Leni Robredo na ‘lugaw.’

Ang pahayag ni Mocha ay ginawa sa isang panayam sa ‘Lutong-Luto’ show sa PTV-4.

Tinanong si Mocha ng host ng programa kung isang pagkain si VP Robredo saan niya ito maihahalintulad.

Hayagang sinabi ni Mocha sa TV host na kung pagkain ay ‘lugaw’ si VP Robredo dahil wala itong sangkap.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Mocha sa kanyang tinuran.

Si Mocha na isa sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mahigpit na kritiko ni Robredo.