Vlogger Emman may leukemia

Binunyag ni Vlogger Emman Nimedez nitong Linggo na mayroon siyang acute myeloid leukemia.

Sa kanyang latest vlog, inamin nito na nagkaroon siya ng lagnat at inakalang coronavirus ito.

“Siyempre noong una akala namin COVID siya, pero hindi eh. Iba ‘yong pinangagalingan noong lagnat. So hinanap nila and na-track nila nasa bone marrow siya.”

Kinuhaan ng sample ang kanyang bone marrow at lumabas sa resulat na mayroon itong acute myeloid leukemia, na uri ng cancer.

“Ito na ‘yong pinakamatindi na laban na kakaharapin ko at sinasabi ko sa inyo ngayon, lahat ginagawa ko para manatiling matibay, maging handa at higit sa lahat, maging malakas kasi kailangan eh.”

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na ipakita ang kanyang Gold Play Button at pasalamatan ang kanyang mga subscribers sa pagtulong na makamit ang kanyang milestone.

Nagsimula si Emman gumawa ng videos sa YouTube noong 2011 at sumikat noong 2017 ng mag-viral ang kanyang parody videos.

Sa ngayon ay mayroon na siya 1.23 million subscribers sa YouTube.