Visa free sa South Korea paplantsahin

Maaring ilatag ng gobyerno ayon kay Philippine Ambassador to Korea Noe Albano Wong ang visa-free sa pagpasok ng mga Filipino sa South Korea.

Sinabi ng PH ambassador na ang visa free ng mga Pinoy papasok sa SoKor ay maaring matalakay sa  Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea (Asean-ROK) Commemorative Summit sa November 25 and 26.

Sinabi ni Wong na ang mga Korean ay hindi na kailangan ng visa kapag mananatili sa Pilipinas hanggang 30 araw pero ang mga Pinoy ay kailangan pang magkaroon ng visa papasok ng South Korea.

“I am sure maybe our Tourism department might raise that issue because I talked to that — about that subject with the DOT Seoul in charge here,” dagdag ni Wong.