Sa kaganapang ito, marami pong tanong na umiikot ngayon sa isip ng isang magulang:
Matitiyak kaya ng DepEd ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa planong ito?
Tapos na kaya ang kalbaryo ng mundo sa Covid-19 sa Agosto?
May makagawa na kaya ng epektibong gamot o vaccine na laban sa coronavirus ilang buwan mula ngayon?
Kung school na VIRTUAL or ONLINE:
1) Ready na ba ang mga teachers?
2) May nakalatag na bang guidelines na susundin ng mga guro, estudyante at magulang?
3) Paano ang mga magulang na walang internet/wifi at walang computer/tablet/laptop?
4) Paano kung madaming anak na nag-aaral at iisa lang ang computer sa bahay?
Kung PHYSICAL o talagang papasok sa school:
1) Ready na ba ang school sa new normal with strict social distancing?
2) Paano ang mga school na umaapaw kada classroom sa dami ng estudyante?
May nadagdag na bang mga bagong classroom?
Kaya ba ng pondo pribado man o pampubliko na magdagdag ng classroom?
3) Pag nagdagdag ng classroom para sundin ang social distancing, kaya bang agad magdagdag agad ng bagong teachers?
Isa pang malaking tanong:
MAY PERA PA KAYANG PANG-ENROL, PAMBILI NG LIBRO AT UNIPORME?!?
Sa tagal natambay sa bahay, nawalan ng hanapbuhay, may pera pa kaya para sa tuition?
Eto naman po ay pagtatanong lamang.
Walang intensyong banatan ang gobyerno.
Walang kinakampihang anumang grupo.