Viral Pinoy singer invited sa Ellen show

Carl Malone MontecidoInimbitahan ni Ellen Degeneres sa kanyang talk show ang viral Pinoy blind singer na si Carl Malone Montecido.

Nakaagaw ng pansin ang ‘Blind Balladeer ng Bacolod’ sa international scene dahil sa kanyang video na kumanta ng Sam Smith hit na ‘Too Good at Goodbyes’ sa videoke ng isang mall.

Ang Facebook user na si Trixie Madison ang nag-upload ng video, ay mayroon ng 385,000 shares.

Komento pa ni Sam sa kanyang pagkanta, ‘You are out of this universe.’

Unang nakita sa screen si Montecido sa ABS-CBN’s ‘Tawag ng Tanghalan’ noong 2016.