Vietnamese heiress positibo sa COVID-19 sa pag-attend ng fashion shows

Nga Nguyen Covid-19Matapos dumalo sa Fashion Week sa Europa, nagpositibo ang magkapatid na Vietnamese heiress na sina Nga Nguyen at Nguyen Hong Nung sa coronavirus.

Ayon sa report ng South China Morning Post, umattend ang magkapatid ng ilang fashion shows katulaf ng Saint Laurent show sa Paris at Gucci show sa Milan.

Ang dalawa ay anak ng Vietnamese steel magnate at madalas na umaattend ng international fashion shows gaya ng MET Gala sa New York.

Sa ngayon ay naka-deactivate si Nga Nguyen ng kanyang Instagram account.

Nagbigay naman ng direktiba ang ilang kompanya na naging bisita at editor sa nasabing fashion shows na mag-self quarantine.