Victoria’s Secret Fashion show kinansela ng tuluyan

Ang taunang Victoria’s Secret fashion show na sumikat sa kanilang “fantasy bra” na may jewels at supermodels na may “angel wings” ay kinansela ngayong taon.

Victoria's Secret

Kinupirma ng chief financial officer at executive president ng L Brands, nagmamay-ari ng Victoria’s Secret, ang kanselasyon ng kanilang fashion show.

Ang sales ng world-famous lingerie brand ay bumaba dahil pinipili na ng mga consumer ang cheaper brands katulad ng Savage x Fenty ni Rihanna, Aerie at ThirdLove.

Magkakaroon umano ang kompanya ng rebranding para sa kanilang marketing.