Victor Basa at non-showbiz GF, kasal na

Ikinasal na si Model at TV personality Victor Basa sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend na si Stephanie Dan sa Angelfields Nature Sanctuary, Tagaytay noong November 10.

Victor Basa
Victor Basa & Stephanie Dan. (IG)

Na-engage ang dalawa noong Setyembre sa Japan.

Ilan sa mga umattend sa kasal ay sina ALV Talent Circuit Head Arnold Vegafria (prinicipal sponsor), singer Kuh Ledesma and Jake Cuenca na best man ni Victor.