Trending ang #Vico sa Twitter kagabi hanggang ngayon.
Umabot na sa 206,000 tweets ang hashtag na ‘yan.
Tinawag na Gold Standard ng pagka-mayor ang batang alkalde dahil sa kanyang out of the box management and leadership style sa gitna ng COVID-19 response.
Sana all daw ay mayroong Vico sa kanilang lungsod. Kahit stress na daw ay gwapo pa rin.
Pinuri rin ng netizens ang kanyang ina na si Coney Reyes.
Ayon sa netizens, maayos at magaling ang pagpapalaki ng ina kay Vico na kinakitaan ng empathy at education rolled into one.
Ano daw ba ang gatas na ipinasuso ni Reyes kay Vico para maging matalino sa pag-iisip ng solusyon sa problema at may puso sa kanyang mga nasasakupan.
Ang pahayag ni Vico tungkol sa ginawa nilang risk assessment kung ‘di papayagan ang tricycle sa kanilang lungsod ay magdudulot ng kapahamakan sa mga pasyente na dapat ay madala agad sa ospital lalo na ang mga ooperahan at kailangan ng dialysis.
Ang tricycle rin daw ang pwedeng makapaghatid ng mabilis sa mga front line health workers.
Pati ang broadcaster na si Karen Davila at Senator Ping Lacson ay ‘di napigilang humanga sa Millenial Mayor ng Pasig.
Tinawag si Vico na greatest gift to Pasig ng dalawa.
Maingay din ang netizens sa pagtatanggol kay Vico na sa tingin nila ay mga pasaring ni TV Patrol anchor Noli de Castro kagabi.
Pinuna nila ang tila daw pagsasabi ni de Castro kay Vico na ‘di alam at ‘di sumusunod sa atas ng national government ukol sa ban sa tricycle ngayon na mayroong lockdown sa Luzon.
Ayon sa twitter posts, mas mainam pa nga daw ang tricycle dahil open at ‘di air con kumpara sa kotse na mas madali kang mahawa sa COVID-19.
Kung social distancing naman daw ang isyu, isa lang ang sakay ng tricycle at pwedeng i-sanitize kung bumaba ang pasahero.
Tinanggihan naman ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang hiling ni Vico na payagan ang tricycle na magamit sa Pasig.
At ano naman daw ang alternatibo nilang paraan kung ‘di papayagan ng tricycle sa Pasig kung ang bus ay ‘di kakasya sa kanilang maliliit na daan.
Protect Vico at all cost.
‘Yan ang hiling sa socmed ng kanyang mga followers.