Vicki Belo nag-tutorial labanan ang COVID-19

Binahagi ni celebrity dermatologist Vicki Belo ang ‘reality of travelling at the time of coronavirus’ habang nasa eroplano.

Sa kanyang Instagram post, makikita kung paano siya nag-sanitize ng kanyang upuan para maiwasan ang virus.

 

Para maiwasan ito, gumamit si Vicki ng ultraviolet light sanitizer o ‘the Germ Reaper’, pinunasan ng wet wipes ang kanyang upuan at nag-spray ng alcohol sa kanyang kamay.

Nag-demo ang doktora kung paano gamitin ang ultraviolet light sanitizer, na nakakamatay umano ng bacteria.

“Protect yourself from the corona virus on a flight,” caption ni Belo sa kanyang post.