Vicki Belo may ‘awkward’ moment sa London

Nagkaroon ng awkward moment si celebrity doctor Vicki Belo at beauty merchandiser sa Paris beauty convention.

Nagvi-video blog si Belo at kanyang asawa na si Hayden Kho sa IMCAS World Congress 2020, nang nilapitan sila ng isang merchandiser at binigyan ng flyer sa ‘zero gravity’ skin care product.

Nang sinimulan ng merchandiser ang pagde-demo sa anti-aging device, nabanggit nito si Belo na ginagamit na ang naturang produkto sa kanyang clinic.

Walang kaalam-alam ang merchandiser na si Belo na mismo ang kanyang kaharap.

Pigil na pigil ang tawa ni Kho habang sinasabi nito sa merchandiser na kausap na niya si Belo.

“So according to them I’m using the device. Actually in London you know I’m supposed to be famous,” biro naman ni Belo.