Kinantiyawan ng Kapamilya aktres na si Angel Locsin na ‘lande’ ang comedian-TV host na si Vice Ganda.
Nangyari ang kantiyawan sa isang post ng aktres kung saan ay nag-celebrate ito ng huling Valentine’s Day kasama ang fiance na si Neil Arce.
“Celebrating our last Valentine’s Day as boyfriend and girlfriend,” sabi ni Angel sa caption ng litrato habang kasama si Neil sa isang spa.
Nag-comment si Vice Ganda ng, “Lande!!!” sa nasabing post ng aktres.
Pinutakte ng netizens ang nasabing komento ni Vice sa aktres.
Bago tawaging ‘lande’ ni Vice si Angel ay nauna nang nag-comment ang actress sa isang post ni Vice kasama ang boyfriend na si Ion Perez ng “Lande.”
Kaya naman ayon sa ilang followers ng dalawang bigating showbiz celebrity ay nagkaroon ng gantihan sa dalawa.
“Gantihan lang eh noh HAHAHAHAHAHA,” ayon sa isang a_mizuhara.