Vice mayor sa Rizal patay sa COVID-19

Jose "Jolet" delos Santos Covid-19Patay ang vice mayor sa isang bayan sa lalawigan ng Rizal, ilang araw matapos makumpirma na positibo ito sa coronavirus, Martes.

Si Jalajala Vice-Mayor Jose “Jolet” delos Santos ay nagpositibo nitong Marso 25, ayon sa post ng kanyang anak na si Jom.

“Wala pong salita ang katumbas kung gaano kasakit at kahirap na hinde sya makita hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay. Ito po ay sa kadahilananang personal niyang hiling na ayaw nyang malagay ang kanyang pamilya sa panganib,” saad ni Jom.

Nag-self quarantine ang vice mayor matapos maramdaman ang sintomas ng coronavirus.

Si Jolet ay naging mayor ng Jalajala noong taong 1994 hanggang 2004, at nasa ikalawang termino na siya bilang vice mayor bago namatay.