Proud si Vice Ganda sa kanyang kapatid na isa sa doktor na frontliner sa COVID-19.
Sa kanyang Instagram, may tribute siya sa sister na si Ma. Cristina B. Viceral.
“I have always been proud of you. Pero ngayon nakakaiyak ang pagiging proud ko sa ‘yo.”
“Araw-araw natatakot ako para sa ’yo. Pero araw-araw mas ipinagmamalaki kita.”
“Mula pa sa pag-aaral ng medisina hanggang ngayon na doktor ka na ay kitang-kita ko ang mga pagsasakripisyo mo.”
“Dati sabi mo ang dahilan kaya gusto mong mag-doktor kasi gusto mo lang alagaan ang (lalamunan) at boses ko.”
“Pero ngayon ang mundo na ang inaalagaan mo. Ang galing.”
Nakapag-donate na rin ang host-comedian ng medical supplies para sa mga frontliners para sa COVID-19 pandemic.