Vice Ganda na-impress kay Fumiya: bet na co-host!

Magandang Pamasko kung saka-sakali para kay PBB Otso finalist Fumiya Sankai ang ideya ni ‘It’s Showtime’ host Vice Ganda na gawin itong co-host sa weekly show.

Matapos ang guesting ni Fumiya sa ‘Gandang Gabi Vice’ ay nag-post sa Twitter si Vice na nagpapahiwatig ng kasiyahan sa guesting ng Japanese national.

“Aliw na aliw ako kay Fumiya!!! Parang bet ko gawing co-host,” mensahe sa Twitter ni Vice.

Sa Sunday show ni Vice ay naging guest nito si Fumiya at sina Ethel Booba, Roxanne Barcelo na mga nagwagi sa Tawag ng Tanghalan sa ‘It’s Showtime.’