Vice Ganda may 3 dahilan sa relasyon kay Ion Perez

Sa wakas ay  umamin na si Vice Ganda sa umuugong na balitang may relasyon ito kay ‘Kuya Escort’ na si Ion Perez.

Sa presscon para sa 10th anniversary ng ‘It’s Showtime’ nitong Lunes,  Setyembre 30 ay inusisa ng mga press si Vice sa tunay na estado ng relasyon nito kay Ion.

Walang kaabog-abog na inamin ni Vice na espesyal sa kanya si Ion.

Hindi man nito direktang sinabi ang relasyon kay Ion ay ang makahulugang mga pahayag ang kanyang binitiwang patungkol kay Ion.

“Unang-una, gusto ko. Pangalawa, kaya ko. Pangatlo, puwede naman,” tsika ni Vice kung bakit espesyal sa kanya si Ion.

Sinabi pa ni Vice na espesyal sa kanya si Ion dahil napapasaya siya nito, napapangiti at napapakilig.

Kamakailan lamang ay naging trending ang palitan ng ‘I love you’ nina Vice at Ion sa isang live episode ng ‘It’s Showtime.’

Si Ion ay sumikat dahil sa kanyang papel bilang ‘Kuya Escort’ sa Miss Q&A segment ng ‘It’s Showtime.’