Vice Ganda humingi ng saklolo kay Yorme

Nanawagan si comedian-TV host Vice Ganda kay Manila Mayor Isko Moreno para tulungan ang mga hinuling LGBT protesters sa Mendiola nitong Biyernes.

Hinuli ang 20 kataong sumali sa LGBTQIA+ Pride Protest laban sa anti-terror bill.

Lumabag diumano ang mga raliyista sa Batas Pambansa 860, o public assembly law, na kung saan bawal magsagawa ng rally kung walang permit, at mayroong quarantine protocol.

Napahayag naman ng pagkadismaya ang mga netizens sa insidente at hiniling ang agarang pagpapalaya sa mga hinuli gamit ang #FreePride20.

Kinuwestiyon naman ni Vice Ganda ang nasabing pag-aresto at tinag si Mayor Isko sa Twitter para aksyunan ang nasabing insidente.

“Anu tooooooooo????? Pakiexplain po? Saklolo naman po dyan Yorme!!!! Sa aking pagkakaalam LGBTQIA+ friendly ang Maynila at si Yorme. Beke nemeenn!!!,” tweet ni Vice Ganda.

Sa isa pang tweet, humingi ng saklolo si Vice kay Yorme.

“Saklolo Yorme @IskoMoreno!!!!”

Wala pang sagot si Mayor Isko tungkol dito.