Vice Ganda, Gonzaga sisters pasok sa MMFF 2020

Mukhang tuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon, kahit patuloy ang COVID-19 pandemic at naapektuhan ang movie industry.

Ito ay matapos ianunsiyo ng MMFF organizers ang unang apat na entries nitong Biyernes.

Pasok sa MMFF ang pelikla nina Vice Ganda, Alex at Toni Gonzaga, at ang Regal horror movie na pagbibidahan ni Joshua Garcia, at fantasy adventure film ‘Magikland.’

Una nang nakansela ang first summer edition sana ng annual film festival dahil sa COVID-19.