Veteran actress Lilia Dizon dies at 92

Namayapa na ang veteran actress Lilia Dizon nitong Hunyo 15, alas-8:20 ng umaga sa kanyang tahanan.

Ikinamatay nito ang komplikasyon sa lung cancer.

Ang aktres ay ina ni veteran actor Christopher de Leon.

“Love you Ma from your only boy,” pag-alala ni Boyet sa kanyang ina.

Ang kanyang labi ay na-cremate sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Pinarangalan si Lilia na ‘Asia’s Best Actress’ sa Cambodia Film Festival noong 1956, sa pagganap nito sa ‘Kandelerong Pilak.’