Vanessa Hudgens nag-post ng ‘Mahal Kita’ sa IG

Nag-post ng Tagalog caption si Fil-Am star Vanessa Hudgens sa kanyang Instagram.

Makikita sa video clip na suot niya ang green bucket hat, captioned “Mahal kita” with green heart emoji.

Mabilis na nag-comment ang kanyang Filipino fans with “Mahal ka din namin!”

Iba naman ay Philippine flag emoji with heart emojis ang kinomento.

Sumikat si Vanessa ng gumanap siya bilang Gabriella Montez sa Disney Channel Original Movie ‘High School Musical.’

Anak siya ni Greg Hudgens at Gina Guangco, na isang Pinay.