Trending sa Twitter si Vanessa Bryant sa umano’y pagpapakamatay ng asawa ng NBA legend Kobe Bryant dahil sa depresyon.
Galit ang mga netizens sa gumawa ng naturang fake news na ginamit pa ang logo ng international media outlet na BBC News.
Pinayuhan ang lahat na huwag maniwala sa balitang ito dahil hindi nabubuksan ang nasabing link ng article.
Namatay si Kobe Bryant kasama ang kanyang 13-year old na anak na si Gianna sa helicopter crash, at naiwan si Vanessa at tatlong anak na babae.