V ng BTS, Sexiest Man in the World!

Ang BTS member na si V ang nanalo sa 2nd edition ng “100 Sexiest Men in the World” online poll.

Ang 23-anyos na Kim Taehyung na mas kilala sa kanyang stage name na V ay nakakuha ng 171,266 total votes at nagawang talunin ang may 39 iba pang finalists na kinabibilangan ng 2018 Sexiest Man na si BTS Jeon Jungkook.

V of BTS
V of BTS (IG)

Si Jungkook ay nasa ikatlong puwesto lamang sa taong ito habang ang iba pang BTS members na sina Jimin at Jin ay nasa 2nd at 4th place, ayon sa pagkakasunod.

Ang naturang online poll ng Starmometer na tinaguriang battle of male celebrities ay inumpisahan noong November 2 at tinapos nitong Huwebes, November 28 ng tanghali.