UST grad topnotcher sa 2019 CPA board exams

Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Oktubre 21 ang listahan ng mga pumasa sa Certified Public Accountant Licensure Examination.

Sa 14, 492 nag-exam ay inihayag ng PRC na 2,075 lamang ang pumasa sa pangungung ng topnotcher na si Justine Louie Bautista-Santiago ng University of Santo Tomas (UST) na may iskor na 90.33 percent.

Pumangalawa si Marlou Borbon Alinsonorin ng University of San Carlos ,89.67 percent; third si Christian Lawrence Cruz Go ng De La Salle University-Manila,89.50 percent.