Napa-sana all ang mga netizen sa isang first year chemical engineering student ng University of the Philippines-Diliman sa “flat uno” grades nito sa first academic year.
Sa post ng Gabay Isko sa Facebook, makikita ang grades ni Sachika Azumi Saguisa, 19, na mula Surigao City.
“Uno” ang highest mark sa pamantasan; 3 ang passing; 4 conditional; at 5 naman kapag failed.
Sa ngayon ay meron ng 5.9K comments, 44K shares at 120K reacts ang post ng organization.