UP bumida sa 100 universities worldwide

Napabilang ang University of the Philippines (UP) sa top 100 na mga unibersidad sa buong mundo sa larangan ng Performing Arts at Development Studies.

“The 2020 QS World University Rankings by Subject ranked 1,368 institutions in 48 subjects grouped into five broad subject areas,” ayon sa isang ulat sa UP website.

Sa ulat ng British company Quacquarelli Symbols (QS), unang pagkakataon ng UP na mapabilang sa 51-100 bracket para sa Performing Arts, habang napanatili nito ang pwesto sa Development Studies sa ikalawang sunod na taon.

Kung pasok sa top 100 ang UP sa top 1,000 university naman pumusisyon ang Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Santo Tomas.