University of San Carlos grad top 1 sa Civil engineering licensure exam

Inilabas na ng Professional Regulation Commission ( PRC) ang resulta ng 2019 Civil Engineer Licensure Examination na ibinigay ng Board of Civil Engineering nitong Nobyembre 2019.

Sa kabuuang 15,075 na nag-exam nasa 6,510 lamang ang nakapasa.

Top 1 sa exam ang graduate ng University of San Carlos na si Lou Mervin Tristan Pua Mahilum na nakakuha ng markang 93.25.

Pumangalawa ang Polytechnic University of the Philippines -Lopez na si Jeremy Recinto Rifareal, 93.10; 3rd si Christian Mark Negrejo Macapagao ng University of the East-Caloocan, 92.90.

Pang-apat naman si Brandon Calvin Quisado Go, Cebu Institute Technology University, 92.60; 5th si John Mark Año Guimba ng University of the Philippines-Diliman,92.55.

Basahin ang kumpletong resulta ng exam sa www.prc.gov.ph