Sampung Pinoy artist ang nakipag-colab sa Japanese apparel retailer na Uniqlo.

Kabilang sa mga Pinoy artist na naging bahagi ng Uniqlo collection ay sina Manix Abrera, Isabel Weber, Happy Garaje, Rob Cham, Ev Yu, Mika Bacani, Otto Bjornik, Myka Arnado, Auggie Fontanilla, at Soleil Ignacio.

Ang pakikipag-partner ng Uniqlo ay ginawa sa launching ng kanilang winter/fall collection nakaraang buwan na nagkataong kasabay naman ng first anniversary ng
flagship store sa Makati City na itinuturing na pinakamalaki sa Southeast Asia.

“Today, we recognize local game changers who help drive Manila forward. There are 10 local artists whose illustrations will be available for customers to use for their personalized t-shirts as we launch ‘”UTme’, our own digital t-shirt printing service, exclusive here at Uniqlo Manila, pahayag ni Geraldine Sia, co-chief operations officer ng Uniqlo Philippines.

Ang mga disenyo ng mga Pinoy artist ay makikita sa mga t-shirt at tote bag ng Uniqlo.

Maliban sa napiling disenyo ng mga local artist ay maaring magdagdag ng teksto o larawan ang mga customer sa kanilang bibilhing produkto ng Uniqlo.

May gimik din ang Uniqlo sa kanilang mga customer na bibili ng nasabing koleksyon.

Sa mabibiling P3,000 produkto ay makakatanggap ng packable bag habang P300 discount naman sa minimum purchase na P2,000.

Tatagal ang promo na nagsimula noong Setyembre 27 hanggang Oktubre 23, ngayong taon.