Umabot na sa mahigit 1 milyon ang naserbisyuhan ng DOTr free ride for health workers program

DOTr free ridesTuluy-tuloy ang pag arangkada ng Kagawaran ng Transportasyon sa pagbibigay ng LIBRENG SAKAY sa ating mga bayaning HEALTH WORKERS, hindi lamang sa National Capital Region (NCR), kundi maging sa regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CAR at CARAGA!

Naihahandog ang libreng sakay sa iba pang panig ng bansa dahil sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kahapon, ika-31 ng Mayo 2020, umabot na sa bilang na 1,015,770 ang kabuuang ridership ng programa, kung saan 266,533 ang total ridership sa NCR-Greater Manila, habang 749,237 naman sa iba pang mga rehiyon.

Samantala, maaari pa ring makita ang LIVE LOCATION ng mga bus units habang binabaybay ang 20 ruta sa Greater Manila Area dahil sa mga naka-install na GPS location tracker devices sa mga bus. Dahil diyan, malalaman ng mga frontliners ang oras ng pagdating ng mga bus. Ito ay naging posible dahil sa koordinasyon ng kagawaran sa PLDT Enterprise, at Vectras Inc.

Malalaman din ang kasalukuyang lokasyon ng mga vehicle units, maging ang 20 ruta ng libreng sakay sa Greater Manila, sa website, at mobile app ng Sakay.ph.

Hindi lang ‘yan, mana-navigate rin ang nasabing mga ruta sa GOOGLE MAPS. Ibig sabihin, mas madali para sa ating mga health workers na malaman kung saan maaaring i-avail ang libreng sakay.

Patuloy ding siniserbisyuhan ng DOTr ang mga medical workers na magmumula sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Stadium, Philippine International Convention Center (PICC), at World Trade Center.

Handa rin ang kagawaran na magbigay ng mga dedicated service vehicles sa iba pang “We Heal as One Centers” sa Metro Manila na matatagpuan sa Filinvest Tent sa Alabang, Philippine Sports Complex sa Pasig, at Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Samantala, ayon sa datos ng Road Sector, umabot sa kabuuang bilang na 184 VEHICLE UNITS ang na-deploy para sa libreng sakay kahapon, ika-30 ng Mayo 2020.

Matatandaan na nagsimula lamang sa tatlong (3) ruta ang DOTr Free Ride for Health Workers Program noong ika-18 ng Marso 2020, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Katuwang din ng DOTr sa programa ang ilang oil companies gaya ng Phoenix Petroleum, CleanFuel, at Petron, na nagbibigay ng FUEL SUBSIDY sa mga transport companies na kasali sa inisyatibo.

Samantala, nananatiling LIBRE ang TOLL FEE sa LAHAT ng EXPRESSWAYS sa Luzon para sa mga medical workers.

Ang FREE TOLL FEE program naman ay naisakatuparan dahil sa kooperasyon at pakikiisa ng mga toll operators sa Toll Regulatory Board (TRB) ng DOTr.

Ang DOTr Free Ride for Health Workers Program ay patuloy na umaarangkada dahil sa pakikipagtulungan ng DOTr sa Office of the President, House of Representatives, Supreme Court, Office of the Solicitor General, Court of Appeals, Sandiganbayan, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Commission on Audit (COA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).

Kasama rin sa mga nagbibigay ng kanilang walang sawang suporta at kooperasyon sa programa ang mga sumusunod na pribadong kumpanya:

HM Transport, San Agustin, MetroExpress, RRCG, Megaworld Corp. (Citylink), Precious Grace Transport, Ceres Transport, Jac Liner, Dagupan Bus, St. Rose Transit, Hafti Transport, Jasper Jean, Pascual, Hi-Star, Pamana, Ube Express, G-Liner, Thelman Transit, Manrose, Pilipinas Autogroup, Beep, Star 8, Mitsubishi Motors, Elmer Francisco Industries, Isuzu Philippines, Foton Motors, Hino Motors, Suzuki, MERALCO e-Sakay, Lucena Lines, Pangasinan Five Star Bus Co., Inc., City Bus, Star Bus, Earthstar Express, Inc., Gell Transport, Genesis Transport Service, U-Hop, Toyota Motor Philippines (TMP) kasama ang Toyota Mobility Foundation (TMF), at Jam Liner.

Narito ang UPDATED MAP LINK: https://bit.ly/DOTrFrontlineShuttleMap

#MatibayAngPILIPINO
#COVIDlangtoPILIPINOtayo
#DOTrPH
#BAHAYmunaBUHAYmuna